Compilation of Best Quotes- On Twitter

25/10/2011 10:34

1."Sana sinusulat na lang ang FEELiNGS, para madali na lang BURAHiN."

2."Hindi naman ako nagdedemand na PAHALAGAHAN nya ako ng sobra. Ang akin lang, maging TAPAT lang siya kahit hindi kami magksama" 

3. "Alam mo yung masakit? Yun yung IPINAGTUTULAKAN ka ng taong MAHAL mo sa iba."

4. "Yung feeling na ayaw mo makasam ang ex mo, pero wala kang magawa kasi iisa ang barkada niyo." 

5."Yung feeling na tumigil ang MUNDO, dahil nag-hi sa'yo ang CRUSH mo."

6."Sometimes out of nowhere, you get a feeling and hear a soft voice saying: Everything's gonna be ok, that's GOD!"

7. "Ang TSIMIS parang history lang yan. Pinapaniwalaan kahit hindi naman nasaksihan."

8. "Yung feeling na, ikaw ang PINAKAMAHALAGANG tao sa kanya tapos, magugulat ka na lang isang araw na HINDI na pala."

9."Hindi ka lagi makakahanap ng taong ginagawa ang lahat maging masaya ka lang kaya LEARN TO APPRECIATE."

10. "Ang love parang sipon, Why do you keep on pulling it back, when it's better to let it go. ♥"

11."Kahit sabihin mong matapang at matatag ka, kapag iniwan ka ng taong binigyan mo ng tamang halaga, walang duda masasaktan ka parin diba?"

12. "Magkaiba ang TUMATAWA sa MASAYA, lahat ng tao kaya kang patawanin, pero di lahat kaya kang pasayahin."

13."Ang ibang lalaki parang WI-FI, kahit may gumagamit na sa kanya, pwede pa rin sya gamitin ng iba."

14."Minsan kelangan mo din magpanggap na MANHiD para kahit harap harapan ka ng NASASAKTAN kunwari di mo nalang NARARAMDAMAN."

15.Ang paulit-ulit na karanasan ay may dahilan . Ito ay para turuan tayo sa mga bagay a paulit-ulit nating HiNDi MATUTUHAN

16."Learn to understand others, minsan di mo namalayan habang nasasaktan ka, mas nasasaktan siya."

17."MINSAN kailangan nating DUMISTANSYA para malaman mo kung sino ang HAHANAPIN ka at kung sino ang PABABAYAAN ka."

18."Kahit na maganda or gwapo ka, wala ka pa ring karapatan na manlait ng iba."

19."Pagpapanggap lang ang pinakamabisang paraan para maipakita mong hindi ka nasasaktan.

20."Hindi masamang magmahal ng sobra, UMAPAW man o MASAYANG, Ang mahalaga, hindi ka nagkulang. ♥"

21."Wag kang makikipag RELASYON sa taong GUSTO mo lang, pero HINDI mo naman MAHAL, spelling nga magka-iba na, KAHULUGAN pa kaya?"

22."Mahirap ang gabing walang UMAGA, katulad ng PAG-IBIG na walang pag asa."

23."Karamihan sa atin ay takot magmahal dahil takot na mapili ang maling tao, pero mas madami sa atin ang takot magmahal dahil takot masaktan."

24."Hindi lahat ng nagmamahal masaya, yung iba nagpapakatanga para lang hindi iwan ng mga taong mahal na mahal nila."

25."Ang dami mong gustong baguhin sa kanya, eh ikaw ba kayang magbago para sa kanya?"

26."Ang gamot sa nag-iinarteng babae, ay lambing ng maunawaing lalake."

27."Yung feeling na sa MAGKAKAIBIGAN, pag hindi sumama yung isa, hindi na rin sasama lahat."

28."Hindi naman masamang maghintay eh,ang masama lang ay yung umasa ka kahit alam mong imposible na."

29."Kung di mo siya kayang alagaan, wag ka nalang mangako na aalagaan mo pa siya, SINASAKTAN mo na nga, PINAPAASA mo pa."

30."Kung naging masaya ka sa maling tao, paano pa kaya pag nakilala mo na yung tamang tao para sayo?"

31."Bakit ka magtitiis kung NASASAKTAN kana, ano ka nagmamahal para MAGDUSA?"